Sunday, July 28, 2013
Ang Paguusap ay para bang pagbabalikan?
Naguusap na ulit kami ng ex-girlfriend ko. ewan ko kung gusto nya pa ako or hindi pero ang alam ko hindi na LOLOL. well ganun talaga ang buhay minsan napakawalan mo na ung totoong relasyon mo. totoo nga bang relasyon un? kasi san ko lang naman siya nakilala sa internet? well iba na kasi ang panahon naun. iba na rin ang generasyon ngaun. ang daming bago. maraming nagbago. sabi nila its for the better pero parang hindi naman. kasi feeling ko nagiging bobo ang mga tao(kasama na ako dun haha) masyado na kasi tayong nakadepende sa teknolahiya(mali ata ung pagkakasulat ko) anyways, tungko dun sa topic ewan ko. ang gulo gulo lang. lagi nga kami naguusap pero parang friends na lang talaga kami haha. ayos lang kasi never naman ako nagexpect na maguusap pa ulit kami. pano ba naman twice na kami nagbreak so baka nagsawa na rin xa na ganun na naman ung mangyari kapag naging kami ulit. pero may plano akong lumipad sa WA if ever. kapag may pera hahah. titignan natin or ako kung ano mangyayari. sabi nga sa sa kanta na Fortune Telling ng Maroon 5 I'll never know How the future will go I don't know what to tell you, I'm not a fortune teller. oh db naka highlights pa HAHA. ayun lang have fun sa mga buhay buhay nyo :D
Saturday, July 20, 2013
Clubbing.
nangaling ako kagabi sa clubbing. ako ung taong di masyadong nagpupunta sa mga ganun lugar kasi di ko naman type ung mga ganun. ewan ko lang parang dun lahat kasi nangyayari. akala ko nakakita ako ng babaeng magugustuhan ko pero di naman pla. merong isang asian na nakipagkilala sakin. type ko siya kinuha ko ung number and kung ano ano pang information na kailangan ko para macommunicate ko siya. pero wala pa rin ganun lang din. binigay naman nya lahat sakin kaso ang problema di siya nagrereply haha. i guess di siya ganun kainterest sakin katulad ng kainterest ko sa kanya.
Wednesday, July 10, 2013
Dapat kahapon to pero wala ng oras para magsulat ng aking araw araw na blog LOL
Magandang umaga sa Amerika! haha pero ang kwentong to ay ang mga nangyari sakin kahapon. masaya akong umalis kasama si Fany. ewan ko kahit na hindi kami masyado naguusap nun sa text o sa personal paranng napapagaan nya ang aking pakiramdam habang kasama ko siya. nanoud kami ng sinehan at kumain sa lugar kung saan hindi pa ako nakakain haha. simpleng araw lang naman pero masaya. pagkatapos nun pumasok na ako sa aking klase. ewan ko sa sobrang saya ko hindi ko makwento ang buong detalye hahaha. basta un na un sa akin na lng muna ang mga detalye. oh wells. pagtapos ng klase ko nagkita muli kami dahil niyaya nya ako manoud ng sine ulit! hahaha grabe kahapon ata puro noud kami ng sine. pinanoud namin ung "Despicable Me 2" at ung "Lone Ranger" haha. siguro nga nandun na ung point na gusto ko siya pero hindi ko siya mahal pa. pero tama lang naman un kasi kakakilala ko pa lamang sa kanya. ayon lamang ang aking kwento para kahapon. ipagpapatuloy ko na lang lamang mamaya pagkauwi ko.
P.S. psyensya na wala akong makitang litrato para sa kwentong ito. HAHA
Monday, July 8, 2013
Kaguluhan lamang ngayong araw.
Nagsimula ang araw ko ng magising ako ng mga bandang 6:00 ng umaga. meron na akong pakiramdam na magiging pangit ang araw ko pero ako ay nagpatuloy parin sa aking trabaho. pagkadating ko sa trabaho sumalubong sakin ang mga ka trabaho ko na parang may ginawa akong masama sa kanila. di ko lam kung bakit sila ganun. basta magulo lang sila lol. pagkatapos meron akong isang kinaiinisan na katrabaho pero hinahayaan ko na lamang siya dahil epal lang siya sa buhay ko. ngunit nung nagtanghalian na kami, may kumuha ng aking pwesto na inihanda para sa akin. nabuwisit ako dahil ang epal talaga ng katrabaho kong un. pakiramdam nya eh siya ang nakakatataas samantalang parehas lamang kami ng posisyon. hindi ko na lang siya pinansin dahil alam ko yun lamang ang paraan para wala na lang gulo. pagkatapos magtrabaho, kami ni "RA Sushi" ay dumiretso sa dati namin trabaho para lamang kuhanin ang kanyang sahod. akala ko meron din akong sahod kasi meron akong "pay-stab" pero wala naman pala dahil nakalimutan lang ni RA sushi na kunin ang nakaraan na pay-stab. pagkatapos eh dumiretso na kami sa jollibee para kumain kasama si "Siman" si siman ay kakakilala lang namin ni RA Sushi sa bago naming trabaho. tapos namin kumain dumiretso na ako sa klase ko. pagkatapos ng dalawang oras umuwi na kagad ako dahil akala ko mageesayo kami ng saking kasamahan sa larong tinatawag na "League of Legends" pero hindi naman natuloy at eto ako ngayon nagsusulat sa aking mgakwentongbarberolamang blogs. un lamang magandang gabi mga tao sa mundo!
Sunday, July 7, 2013
Usapang Seryoso ba?
ngayon ako ay isang mamamanyan na single na naman LoL. pero ayos lang kahit na malungkot nanjan naman ang mga kaibigan. siguro nga kasalanan ko ang lahat kung bakit kami naghiwalay. paulit ulit na problema na di ko naman nasosolusyonan(mali ata spelling ko haha). o baka naman di talaga kami sa isa't isa. sabi nga nya eh "Who knows what the future holds." masyado akong naging masamang lalake para sa kanya. pero kahit na naging masama ako sa kanya, naging mahal ko naman sya ng tunay(korny amp di bagay haha). nasaan kaya si kupido para muling maibalik ang pagmamahalan na naglaho ng parang bula. tama kaya ang mga desisyon ko? tama ba na maghiwalay kami at hindi magusap? masyado na kasi syang nasasaktan dahil sakin. parang feeling ko mas deserving pa sya ng ibang lalake. siguro nga ganun ako kasama. kasi kung para sakin siya malamang di kami magkakaganto. minsan kasi parang maliit na bagay nagiinit ang mga dugo namin. oh wells siguro nga pagod na kami parehas.
Nga pala hindi totoo ung litrato na yan.
Nga pala hindi totoo ung litrato na yan.
Subscribe to:
Posts (Atom)