Wednesday, July 10, 2013
Dapat kahapon to pero wala ng oras para magsulat ng aking araw araw na blog LOL
Magandang umaga sa Amerika! haha pero ang kwentong to ay ang mga nangyari sakin kahapon. masaya akong umalis kasama si Fany. ewan ko kahit na hindi kami masyado naguusap nun sa text o sa personal paranng napapagaan nya ang aking pakiramdam habang kasama ko siya. nanoud kami ng sinehan at kumain sa lugar kung saan hindi pa ako nakakain haha. simpleng araw lang naman pero masaya. pagkatapos nun pumasok na ako sa aking klase. ewan ko sa sobrang saya ko hindi ko makwento ang buong detalye hahaha. basta un na un sa akin na lng muna ang mga detalye. oh wells. pagtapos ng klase ko nagkita muli kami dahil niyaya nya ako manoud ng sine ulit! hahaha grabe kahapon ata puro noud kami ng sine. pinanoud namin ung "Despicable Me 2" at ung "Lone Ranger" haha. siguro nga nandun na ung point na gusto ko siya pero hindi ko siya mahal pa. pero tama lang naman un kasi kakakilala ko pa lamang sa kanya. ayon lamang ang aking kwento para kahapon. ipagpapatuloy ko na lang lamang mamaya pagkauwi ko.
P.S. psyensya na wala akong makitang litrato para sa kwentong ito. HAHA
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment