Kaguluhan lamang ngayong araw.
Nagsimula ang araw ko ng magising ako ng mga bandang 6:00 ng umaga. meron na akong pakiramdam na magiging pangit ang araw ko pero ako ay nagpatuloy parin sa aking trabaho. pagkadating ko sa trabaho sumalubong sakin ang mga ka trabaho ko na parang may ginawa akong masama sa kanila. di ko lam kung bakit sila ganun. basta magulo lang sila lol. pagkatapos meron akong isang kinaiinisan na katrabaho pero hinahayaan ko na lamang siya dahil epal lang siya sa buhay ko. ngunit nung nagtanghalian na kami, may kumuha ng aking pwesto na inihanda para sa akin. nabuwisit ako dahil ang epal talaga ng katrabaho kong un. pakiramdam nya eh siya ang nakakatataas samantalang parehas lamang kami ng posisyon. hindi ko na lang siya pinansin dahil alam ko yun lamang ang paraan para wala na lang gulo. pagkatapos magtrabaho, kami ni "RA Sushi" ay dumiretso sa dati namin trabaho para lamang kuhanin ang kanyang sahod. akala ko meron din akong sahod kasi meron akong "pay-stab" pero wala naman pala dahil nakalimutan lang ni RA sushi na kunin ang nakaraan na pay-stab. pagkatapos eh dumiretso na kami sa jollibee para kumain kasama si "Siman" si siman ay kakakilala lang namin ni RA Sushi sa bago naming trabaho. tapos namin kumain dumiretso na ako sa klase ko. pagkatapos ng dalawang oras umuwi na kagad ako dahil akala ko mageesayo kami ng saking kasamahan sa larong tinatawag na "League of Legends" pero hindi naman natuloy at eto ako ngayon nagsusulat sa aking mgakwentongbarberolamang blogs. un lamang magandang gabi mga tao sa mundo!
No comments:
Post a Comment